Tuloy po kayo sa Filoli!
Sa Filoli, nagbibigay kami ng inspirasyon sa pang-araw-araw na buhay sa pamamagitan ng pagbubukas ng aming Bahay, Hardin, at nature preserve sa lahat. Matatagpuan 30 milya sa timog ng San Francisco, ang Filoli ay nananahan sa isang dahilig ng Santa Cruz Mountains at napalilibutan ng protektadong Peninsula Watershed. Bukas kami araw-araw mula 10am-5pm para sa mga ibig bumisita. Kailangang magpareserba.
Admisyon
10am - 5pm
Museums for All
Ipinagmamalaki ng Filoli ang pagiging kalahok nito sa Museums for All, na nag-aalok ng libre at pinababang admisyon sa mga may SNAP EBT card. Magpadala lamang ng email sa tickets@filoli.org para maipareserba ang inyong admisyon sa Museums for All.
Discover & Go
Nagbibigay ang Discover & Go sa mga may library card ng libreng pass sa mga lokal na museo at iba pang institusyong pangkultura. Alamin pa ang tungkol sa dito.
Aksesibilidad
Makikita sa ibaba ang impormasyon tungkol sa aksesibol na paradahan, mga banyo, magagamit na wheelchair, mga service animal, at iba pa rito.
Pakitandaan na walang mauupahan o mahihiram na mga wheelchair, walker, o iba pang device na pantulong mula sa Filoli.
Mga dadalhin
Komportableng sapatos
Tubig
Pantakip ng Mukha Para Sa Mga Espasyong Panloob
Mga dapat iwan
Bawal Sigarilyo
Mga Alagang Hayop o Emotional Support Animal
Kagamitang Pang-isports
Drone
Mga Salusalong Kasama ang mga Halaman
Piling petsa sa Pebrero at Abril
Habang ginagabayan ng mga staff ng Filoli, masining na pagsamahin ang mga sariwang bulaklak at halaman, para makagawa ng sariling likhang agaw-pansin. Ilabas mo ang iyong pagkamalikhain at kumuha ng inspirasyon sa nakapalibot na Hardin!
Mga Konsiyerto sa Ballroom
Dinisenyo ng unang pamilya ng Filoli na sina Agnes at William Bourn ang Ballroom para pagdausan ng mga pribadong pagtatanghal. Sa 2024, ibabalik ng Filoli ang opera at live na tugtugan dito sa ginintuan at nagniningning na bulwagan.
Karanasan sa Tsaa
Danasin ang marikit na pamumukadkad sa Bahay na Hardin ng Filoli. Magkubli sa samu't saring finger sandwich, scone, at patisserie habang humihigop ng tsaa at champagne sa isang ekslusibong espasyo.
Pagkatutong Naglilingkod
Nagbibigay ang Pagkatutong Naglilingkod ng libreng pagkakataon na matuto tungkol sa iba't ibang paksa sa paghahardin, at makatulong dito sa itinuturing na yaman ng komunidad.
Daily Talks
Araw-araw sa 12pm at 2pm
Walang kinakailangang reserbasyon!
Araw-araw, nag-aalok ang Filoli ng libreng 15-minutong panayam sa ganap na 12pm at 2pm. Hindi kailangang magpareserba! Nag-iiba-iba ang mga paksa sa bawat araw at panahon. Alamin ang mga detalye tungkol sa iniaalok na paksa sa panahon ng inyong pagbisita sa Information Cart.
Nasa wikang Ingles ang mga panayam sa Daily Talks ng Filoli.
Bilihan at Kainan
Ang Clock Tower Shop
Oras: 10am-5pm araw-araw
Puno ng maraming uri ng magaganda at natatanging produkto at masasarap na pagkaing bagay na bagay sa pagreregalo.
Ang Quail's Nest Café
Oras: 10am-4:30pm araw-araw
Matatagpuan ang Quail's Nest Café sa Filoli Visitor and Education Center, sa likod mismo ng kiyosko para sa check-in. Tuklasin ang masasarap na pana-panahong paborito mula sa mga sariwang salad at sandwich hanggang sa mga minatamis.
Pagiging miyembro
Taglamig, tagsibol, tag-araw, o taglagas man, bukas ang Filoli sa mga miyembro!
Magpamiyembro na para makaranas sa buong taon ng walang katapusang aktibidad na sadyang natatangi at nakapagpapanumbalik. Nakakatanggap ang mga miyembro ng mga benepisyo tulad ng libreng pangkalahatang admisyon, diskuwentadong admisyon sa panahon ng napakasikat na Holidays at Filoli, mga diskuwento sa Shop at Café, akses sa eksklusibong nilalaman at marami pang iba!
Nagsisimula ang mga membership sa $105 para sa inyo at isang bisita ($85 para sa mga 65+ taong gulang) at $159 naman para sa isang pamilya; Sulit na sulit para sa mga bumibisita nang magkakasama. Kung balak niyong bumisita nang madalas, subukan niyo nang maging miyembro!
Mga Pribadong Renta
Filoli para sa bawat pagdiriwang
Bilang katangi-tanging pagtutuluyan para sa mga pagdiriwang, pagpupulong, corporate at team building na aktibidad para sa mga grupo mula 10 hanggang 2,000, lagi't laging may maihahandog ang Filoli para sa bawat uri ng kliyente. Hapunan man ito sa ilalim ng mga bituin sa Woodland Garden Court, minimithing kaarawan na may live na palabas sa Ballroom, o pagdiriwang ng kaarawan sa pool sa tag-init, bukod-tangi ang Filoli bilang lugar na tiyak na mag-iiwan ng mga alaalang panghabambuhay.
Mga Tuntunin sa Pagbisita
- Kinakailangan ang mga online advanced ticket para sa lahat ng bisita, kasama na ang mga miyembro
- Nagsasara ang Estate Trail nang 4 pm
- Ang makasaysayang Bahay ay bukas nang 11am - 4:30pm
- Isinasara at nililinis ng Filoli ang lugar nang 5pm
- Bukas ang Café mula 10am - 4:30pm
- Kasalukuyang hindi bukas sa publiko ang mga sesyon ng potograpiya at hindi tatanggapin ang mga kahilingan para rito. Inaaanyayahan namin kayong kumuha ng sarili ninyong litrato alinsunod sa mga tuntuning ito: filoli.org/personal-photography
Impormasyon Para sa mga Bisita
- Simulan ang inyong pagbisita sa pagpapatala sa kiyosko ng admisyon sa labas
- Ayon sa mga tuntunin ng county kinakailangang magsuot ng pantakip sa mukha ang lahat ng bisita sa loob ng Filoli anuman ang kalagayan sa pagbabakuna
- I-download o i-print ang mapa ng Filoli kung ibig niyong sumangguni rito sa panahon ng inyong pagbisita
- Hindi pinahihintulutan ang mga lobo, props, pagpapalit ng damit, pagkuha ng litrato para sa kasal at malalaking kagamitang pampotograpiya
- Pinapayagan lang ang pagpipiknik sa lugar ng piknik.