Patimpalak Haiku ng Filoli
Marso 15, 2023 - Abril 15, 2023
Ipasa ang pinakamahusay ninyong haiku na binigyang-inspirasyon ng Hardin ng Filoli sa tagsibol sa aming taunang patimpalak. Ang dating Poet Laureate ng San Mateo na si Aileen Cassinetto ang pipili ng mananalo.
Mga Alituntunin
Maaari kang magpasa ng hanggang tatlong orihinal na tula. Kalikasan dapat ang inspirasyon; sa pagkakataong ito, ang Hardin ng Filoli sa Tagsibol. Dapat nasa pangkalahatang format ng haiku ang mga tula: tatlong maikling linya na may 5-7-5 pantig (free-form haiku). Hinihikayat namin ang pagpapasa sa ibang mga wika bukod sa Ingles, basta nasusunod ang estruktura ng haiku at may kasamang salin sa Ingles.
Mga Premyo
Unang Gantimpala: Pangkabahayan Plus na Membership sa Filoli at Basket ng Regalo (Filoli Household Plus Membership at Gift Basket)
Ikalawang Gantimpala: Indibidwal Plus na Membership sa Filoli (Filoli Individual Plus Membership)
Gawad Filoli para sa Ecopoetry: Indibidwal Plus na Membership sa Filoli (Filoli Individual Plus Membership)
Pinakamahusay sa Edad 18 Pababa: Pangkabahayan Plus na Membership sa Filoli (Filoli Household Membership)
Kinikilala ng Gawad Filoli para sa Ecopoetry (Filoli Ecopoetry Award) ang isang haiku na sinisipat ang ugnayan ng tao at kapaligiran. Naghahanap kami ng isang likhang malay sa kalikasan at kritikal; ipinagdiriwang ang ganda ng kalikasan habang tinatamaan ang epekto ng mga isyung tulad ng pagbabago ng klima at tagtuyot.
Magbubukas ang patimpalak sa Miyerkules, Marso 15, 2023. Dapat maipasa ang mga lahok bago ang hatinggabi ng PDT sa Sabado, Abril 15. Iaanunsiyo ang 10 semi-finalist na tula sa website sa Araw ng Daigdig (Earth Day) Sabado, Abril 22. Iaanunsiyo ang mga nanalo sa Mayo 1.
Ang tula ng lahat ng semi-finalist ay ipi-print at itatampok sa iba't ibang bahagi ng hardin sa buwan ng Mayo.
Mga Karapatan: Ang mga ipapasang tula ay gagamitin ng Filoli para sa mga promotional na materyal, at posibleng i-publish ang mga mananalong tula sa aming social media at iba pang marketing channel.