Filoli Haiku Contest 2024
Ipasa ang pinakamahusay ninyong haiku sa aming taunang patimpalak. Ang dating Poet Laureate ng San Mateo na si Aileen Cassinetto ang pipili ng mananalo. Ang tula ng lahat ng semi-finalist ay ipi-print at ipapakita sa buong Hardin sa buwan ng Mayo!
Magbubukas ang patimpalak sa Biyernes, Marso 15, 2024. Dapat maisumite ang mga entry hanggang hatinggabi ng PST sa Sabado, Abril 15. Iaanunsiyo ang 10 semi-finalist na tula sa website sa Araw ng Daigdig (Earth Day) Sabado, Abril 22. Iaanunsyo ang mga nanalo sa Mayo 1.
Tema
Ngayong taon, ang tema ng patimpalak ay imigrasyon at pagiging kabilang. Naghahanap kami ng mga tula na pumupukaw kung paano lumilikha ng pakiramdam ng tahanan ang mga nilalang – sa mga hardin at likas na mundo, pati na sariling mga buhay natin.
Kinikilala ng natatanging Gawad para sa Ecopoetry (Ecopoetry Award) ang isang haiku na ibinagbubunyi ang temang ito habang inaantig ang ugnayan ng tao at kapaligiran.
Mga Premyo
Unang Gantimpala: Membership sa Filoli at
Basket ng Regalo (Filoli Membership at Gift
Basket)
Ikalawang Gantimpala: Indibidwal na
Membership sa Filoli (Filoli Individual
Membership)
Pinakamahusay sa Edad 18 Pababa:
Membership sa Filoli (Filoli Membership)
Gawad Filoli para sa Ecopoetry: Indibidwal na
Membership sa Filoli (Filoli Individual
Membership)
Mga Karapatan: Ang mga isusumiteng tula ay gagamitin ng Filoli para sa mga promotional na materyal, at posibleng i-publish ang mga mananalong tula sa aming social media at mga marketing channel.